isang impormal entri...

walastik! ang tagal ko na palang hindi nakapablog...hmm...nakakapanibago tuloy....

dami nangyari sa mga araw at buwan na hindi ako nakasulat. pati ako, nagbago. hindi ko akalaing madadaanan ko ang ganitong "transition" ng buhay. para akong lintang bagong sipsip ng dugo.

kung dati'y nasa sibilisasyon ako, ngayon nama'y nandito sa kabundukan, sa isang lugar na hindi ko inasam na mapuntahan noon. lahat na yata iniwan ko sa siyudad, pati pagkatao ko.

pero tulad ng hindi ko inaasahang pag-alis, hindi ko din inakalang mamahalin ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. nagbago man ang lahat, pananamit, pagsasalita, pagkain, pakikitungo sa tao, pamumuhay, at pag-aaral, masasabi kong "buti na lang pinilit nila ako."

pasensya na, matagal akong hindi nakasulat o nakadalaw sa mga blog ninyo, at tuloy nagsawa sa kakabasa ng mga "old skul" kong entries. hayaan niyo't ako'y babawi...para naman ang ibong adarna ay umawit muli...


>>>makasipsip nga muna ng dugo....
Currently listening to: klik klik klik ng keyboards
Currently feeling: nasusuka
Posted by sampu on September 23, 2005 at 03:29 PM in Tag-araw | 13 ang nabentahan
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

benhur (guest)

Comment posted on January 29th, 2008 at 07:30 PM
ang old mo na epal ka pa po

e_r_n_z (guest)

Comment posted on September 30th, 2005 at 01:55 AM
[kahit medyo huli na akong nakapag-welcome] e winewelcome back pa din kita. hehe..laboooo
Comment posted on September 30th, 2005 at 08:52 AM
huli man ang pagbati...
nakabati pa rin! :)
tenks alat!

e_r_n_z (guest)

Comment posted on September 30th, 2005 at 11:33 AM
teka, nasa probinsya ka na tama? bagong buhay ba ito.
Comment posted on October 5th, 2005 at 02:52 PM
nyak! sino nagkwento sa iyo? para tuloy akong bagong labas na preso niyan o..:)

yap, dito nga sa probinsyang ni minsan di ko pa napuntahan..hehe..laboo!

e_r_n_z (guest)

Comment posted on October 5th, 2005 at 05:27 PM
ngok! tinanung mo pa kung sino nagkwento sakin:jester: edi binasa ko entry mo!LOL ayus lang yan, ok nga sa probinsya e wlang gulo.
Comment posted on October 6th, 2005 at 03:18 PM
wahehe! :))
obvious pala..galing mo ah. apir!

onga eh, ok na ok dito...

e_r_n_z (guest)

Comment posted on October 6th, 2005 at 11:37 PM
ngak! e bat naman ako magcocomment sa entry na hindi ko pa binabasa. LOL
apiirr!
Comment posted on October 7th, 2005 at 05:09 PM
wahehe..onga eh no..
my bad.. ;)

sama ka kay barbie? punta daw siya dito sa iskul ko..
Comment posted on September 23rd, 2005 at 08:35 PM
finally!
you're back!!
*hugzzz*
san ka ba?
ibong adarna ka na ngayon ha!
namiss ka ng marame!!
Comment posted on September 26th, 2005 at 03:38 PM
wahehe..tats ako..salamat...
dito ako ngayon sa kabundukan, hinahanap tunay kong mga magulang.. :D
miss din kita!!
im finally bak!
*yakap*
Comment posted on September 23rd, 2005 at 04:12 PM
wah! san ka na ngayon? buti ka pa.. ;)
Comment posted on September 26th, 2005 at 03:42 PM
ahihi, buti nga ba?... :(
lipat ako iskul, di kilala eh, malayo pa..
kelangan ng taxi, barko (kung apord mo mag erplen ka), tricycle, at 2 araw ng pagmumuni-muni sa dagat.

sayang di tayo nagkapag-mit, pero di bale...coz im bak! hehe..